Rodriguez kumpirmadong ‘exit’ na sa PBBM admin

Rodriguez kumpirmadong ‘exit’ na sa PBBM admin

October 5, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Atty. Victor Rodriguez na hindi na siya parte ng administrasyong Marcos.

“I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family… a very personal decision that was happily made,” ayon kay Rodriguez, nagsilbi bilang Executive Secretary sa loob ng tatlong buwan sa isang kalatas.

Nauna rito, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na mayroong Administrative Order No. 1 na nagtatalaga kay dating ES Vic Riodriguez bilang presidential chief of staff.

“The fundamental reason for this is the fact that all communications that have transpired between the President and myself are absolutely privileged, something which I shall continue to honor in full recognition of and respect to both the Office of the President and the Office of the Executive Secretary,” ayon kay Rodriguez.

Sinabi pa rin ni Rodriguez na siya ay pinagtatawanan, sinisiraan, at target ng hindi patas na mga komentaryo kung kaya’t nangangailangan muna siya ng panahon na makapagpahinga at maghilom.

“Men in public life may suffer under a hostile or unjust accusation; the wound can be assuaged with the balm of a clear conscience.'”

Sa kabilang dako, isa aniyang malaking karangalan na mabigyan siya ng pagkakataon na makapagsilbi sa bansa.

Hinikayat niya ang publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta sa administrasyong Marcos.

“Ako po ay magpapatuloy maglingkod bilang pribadong mamamayan sa abot ng aking munting kakayanan. Atin pong suportahan si Pangulong Bongbong Marcos at ang ating bansang Pilipinas,” ayon kay Rodriguez. Kris Jose