Rodriguez: Unang SONA ni Marcos tututok sa COVID-19 response

Rodriguez: Unang SONA ni Marcos tututok sa COVID-19 response

July 23, 2022 @ 11:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tututok ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, ayon sa opisyal nitong Biyernes.

“[I]t’s all about COVID response, and when we speak of COVID response, it’s not only about health, it goes all the way to the entire cycle of economy, you go into education, and so on and so forth,” ani Executive Secretary Vic Rodriguez.

Inilahad din ni Rodriguez na tinatapos na ni Marcos, na siyang sumusulat ng kanyang talumpati, ang kanyang mensahe. Sinabi pa niya na “premature” pa para sabihin kung gaano katagal ang kanyang talumpati.

“It’s a work in progress. It’s a moving thing,” sabi ni Rodriguez.

Nauna nang nanawagan ng mga mambabatas at grupo sa chief executive na talakayin ang iba’t ibang Batasang Pambansa sa Lunes. Kabilang dito ang human rights concerns, inflation, at mga trabaho.

Tiniyak naman ng mga pulis ang mahigpit na seguridad sa SONA, kung saan magpapakalat ng 21,000 security personnel. RNT/SA