Rollback, asahan sa susunod na linggo

Rollback, asahan sa susunod na linggo

July 15, 2018 @ 9:57 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Matapos ang dalawang magkasunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, magkakaroon naman ng rollback sa mga susunod na linggo ayon sa mga source sa industriya ng langis.

Sa ulat, magbaba ang presyo ng diesel ng 10 centavos kada litro habang ang presyo naman ng gasolina ay mananatili pa rin sa kasalukuyang presyo.

Kamakailan lang nagtaas ng presyo ng gasolina ang Flying V at Pilipinas Shell Petroleum Corp. ng nasa P0.40 kada litro, sa diesel ng P0.35 kada litro at sa kerosene ng P0.70 kada litro. (Remate News Team)