Rollback sa presyo ng langis, asahan bukas

Rollback sa presyo ng langis, asahan bukas

June 11, 2018 @ 3:52 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Good news para sa Araw ng Kalayaan!

Asahan muli ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, June 12.

Sa abiso ng Department of Energy, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang mababawas sa gasolina habang nasa P0.45 hanggang P0.55 naman ang kaltas sa diesel.

Ang kerosene ay magmumura ng P0.50 hanggang P0.60.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong naitala ang rollback ng mga produktong petrolyo. (Remate News Team)