Rollback sa presyo ng langis asahan sa sunod na linggo

Rollback sa presyo ng langis asahan sa sunod na linggo

April 2, 2022 @ 2:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ang pagbaba sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa oil industry source nitong Sabado. Kinumpirma naman ng isang opisyal ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang naturang rollback.

Kasunod ng sunod-sunod na big-time price hikes, asahan na ng mga motorista ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa datos ng oil trading sa nakalipas na limang araw base sa Mean of Platts Singapore, sinabi ng isang oil industry source nitong Sabado na bababa ang presyo kada litro ng diesel ng P2.28.

Samantala, maaaring mabawasan ang presyo ng gasolina ng P2.79 kada litro.

Gayundin, sa  fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P1.80 kada litro habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring mabawasan ng P2 kada litro. RNT/SA