Rollback sa presyo ng langis sa Dis. 7

Rollback sa presyo ng langis sa Dis. 7

December 6, 2021 @ 3:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magpatupad ang mga oil firms ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, ang ika-limang linggo ng bawas-presyo.

Sa isang abiso, inanunsyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na magbabawas ng P2.40 kada litro sa presyo ng gasolina, P2.65 kada litro ng diesel, at P2.70 kada litro ng kerosene.

Gayundin ang Cleanfuel na ipatutupad ang parehong rollback, maliban sa kerosene.

Magsisimula ang naturang bawas-presyo bukas, alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na ipatutupad sa parehong araw ang rollback ngunit magsisimula pagsapit ng alas-8:01 ng umaga.

Hinihintay pa ang abiso ng ibang kumpanya ng langis. RNT/SA