Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa sunod na linggo

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa sunod na linggo

October 1, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Asahan ang muling pagpapatupad ng bawas presyo sa ilang produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Base sa oil trading monitoring, sinabi ng isang source ng industriya ng langis na ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring mabawasan ng P0.30 hanggang P0.70 gayundin sa produktong gasolina na nasa P0.20 hanggang P0.60 kada litro.

Matatandaan na epektibo nitong Setyembre 27, nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng bawas presyo na P1.65 sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.35 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.

Dahil dito, ang year to date na kabuuang adjustments ay tumaas ng P14.85 kada litro para sa gasolina at P29.40 kada litro para sa diesel. JAY Reyes