Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan!

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan!

June 25, 2018 @ 1:57 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Magandang balita sa mga motorista, magpapatupad ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng madaling araw.

Pangungunahan ng kompanyang Seaoil ang bawas presyo na P1.15 kada litro ng gasolina, P0.90 kada litro sa diesel, at P0.85 kada litro sa kerosene epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Susunod naman ang mga kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa pagpapatupad ng oil price rollback sa kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Ang ipinatupad na oil price rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Jay Reyes)