Rollback sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

October 24, 2022 @ 11:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang rollback matapos ang dalawang magkasunof na linggo ng malakihang akyat-presyo.

Sa magkahiwaly na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na babawasan nila ang presyo kada litro ng galolina ng PP0.35, diesel ng P1.10, at kerosene ng P0.45.

Ipatutupad din ng Petro Gazz ang parehong pagbabago sa presyo, maliban sa kerosene.

Epektibo ang adjustments sa Martes, alas-6 ng umaga.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kompanya ukol sa tapyas-presyo. RNT/SA