Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, gugulong sa sunod na linggo

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, gugulong sa sunod na linggo

December 10, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang panibagong tapyas-presyo sa  langis, ayon sa industry forecasts.

Sa abiso nitong Sabado, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na ang per-liter prices ng diesel ay babawasan ng ₱3.30 hanggang ₱3.40 para sa Dec. 13-19 period.

Samantala, bababa naman ang presyo ng gasolina ng ₱1.80 hanggang ₱1.90 kada litro.

Sa mga nakalipas na linggo, iniugnay ng Department of Energy ang global developments — kabilang ang paggalaw sa fuel inventory ng Estados Unidos — ang price cuts. RNT/SA