Rollback sa produktong petrolyo, gugulong sa Martes

Rollback sa produktong petrolyo, gugulong sa Martes

December 5, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ng mahigit P1 kada litro sa Martes, sa ikatlong sunod na linggo ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. sinabi nito na babawasan ang presyo kada litro ng gasolina ng P1.95, diesel ng P1.90, at kerosene ng P1.65.

Epektibo ang adjustments pagsapit ng alas-6 ng umaga sa Martes.

Wala pang anunsyo ang ibang kompanya ukol dito. RNT/SA