Rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad ulit

Rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad ulit

August 6, 2018 @ 2:17 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Matapos magpatupad ng “big time oil price hike” sa mga produktong petrolyo nito lamang nakaraang linggo, magpapatupad naman ngayon ng katiting na oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Seaoil, Flying V at PTT Philippines ang pagpapalabas ng abiso hinggil sa pagpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo na P0.10 kada litro sa gasolina, P0.10 kada litro sa diesel at P0.25 kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa pagpapatupad ng bawas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Jay Reyes)