#RollyPH: Signal No. 1 itinaas sa  Catanduanes

#RollyPH: Signal No. 1 itinaas sa  Catanduanes

October 30, 2020 @ 6:40 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinailalim ang Catanduanes sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ngayon Biyernes ng gabi, Oktubre 30.

Sa 5 p.m. severe weather bulletin, namataan ang sentro ng bagyong Rolly sa layong 980 kilometrong silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang hangin na 185 km per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kph.

Iniulat din na makararanas ng pag-ulan ang Bicol Region, Eastern at Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Batanes, Cagayan, at Isabela.

“Given that it is likely for this typhoon to continue intensifying prior to landfall, the highest possible TCWS that will be raised throughout the passage of this typhoon will be TCWS #4 (associated with destructive to very destructive typhoon-force winds),” lahad ng PAGASA.

“Mariners of small seacrafts are advised to take precautionary measures when venturing out to sea. Inexperienced mariners should avoid navigating in these conditions.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...