Romando Artes itinalagang acting MMDA chief

Romando Artes itinalagang acting MMDA chief

October 30, 2022 @ 9:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling pamumunuan ng abogadong si Romando Artes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inanunsyo ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Cheloy Garafi ang pagkakatalaga ni Artes bilang acting MMDA chairperson nitong Sabado. Pinalitan niya si Carlo Dimayuga III na itinalaga lamang nitong Agosto.

Una siyang nanungkulan bilang assistant general manager for finance and administration ng MMDA noong Mayo 2017, general manager noong Oktubre 2021, at officer-in-charge noong Pebrero 2022. 

Noong Marso, itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit, kinailangang umalis ni Artes sa top MMDA matapos pumasok ang administrasyong Marcos noong Hunyo. RNT/SA