Romnick, ibinuking ang KathNiel!

Romnick, ibinuking ang KathNiel!

October 22, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nakasama ng actor na si Romnick Sarmenta ang KathNiel sa seryeng 2 Good 2 Be True at doon niya natuklasan ang tunay na ugali ng dalawa sa set.

“Through the time that we`re together, nakikita namin yung malasakit nila sa maraming tao, sa maraming bagay,” say ni Romnick sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS CBN.

Silang nakasama ng KathNiel ang saksi kung gaano kabuti ang dalawa.

“Hindi siya pakita lang, eh, hindi siya sa set lang, hindi siya yung dahil magkakasama lang kayo,” aniya.

“Nakikita namin yung consistency nila. Nakikita rin namin yung hindi naman nila kailangang magmalasaki sa isang bagay na nangyari pero nakatutok silang pareho,” say pa niya.

Ang KathNiel daw ang nangunguna kapag may nagaganap na hindi maganda sa set.

“Pag may naganap kunwari sa set, may narinig sila na merong…hindi naman aksidente, pero medyo nasaktan sa isang set, kunwari, utility or something, ‘Uy nabagsakan ng ganito si ano sa paa,’ titigil yung dalawa, ‘Asan siya?’

“Pupuntahan nila yun, tsetsekin nila, tatanungin nila kung ano ang kailangan, magpapabili ng gamot or something,

“And this concern is, hindi nila ipinapakita sa iba. Ginagawa lang nila nang kusa. And consistent sila, ibig sabihin, hindi yung ginagawa lang nila kasi nandiyan sa harap yung ganito,” kuwento ni Romnick.

“And I think that makes us, those people who work with them, love them more.” patuloy niya.

Para kay Romnick, ang magic ng KathNiel ay ang pagiging totoo ng dalawa sa isa`t-isa, ang sincere na trato nila at ang pagmamahal nila sa trabaho. Gerry Ocampo