Romnick, may patutsada sa MiM!

Romnick, may patutsada sa MiM!

August 7, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Umani ng magkakaibang reaksyon ang tweet ni Romnick Sarmenta kaugnay ng kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacanang.

But Romick opted to save his comment.

Ayon sa kanyang post, “Magko-comment sana ako pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art at binabago ang kasaysayan.”

Sa umpisa pa lang ay mahihinuha nang si Darryl Yap na direktor ng Maid in Malacanang ang pinatututsadahan ng aktor.

Dagdag ni Romnick, “Kasingsayang ng oras na binuo n’yo para pagkaperahan n’yo. Magalit na kayo  sa akin.”

Kilalang prangka si Romnick na walang keber kung sinuman ang masaktan sa kanyang opinyon.

Kung matatandaan, nitong nakaraang eleksyon ay nagpatutsada si Romnick sa presidential aspirant at dating co-member sa That’s Entertainment na si Isko Moreno.

Hindi naman itinanggi ni Romnick na kabilang siya sa mga tagasuporta ni dating VP Robredo.

This time around ay kapwa rin niya artista ang pinagdiskitahan niya.

Siguradong may sagot dito ang kampo ni Darryl.

Abangan! Ronnie Carrasco III