Romnick sa BBM supporters: I-block, i-unfollow niyo ako

Romnick sa BBM supporters: I-block, i-unfollow niyo ako

May 19, 2022 @ 8:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magalang pero malinaw ang pakiusap ni Romnick Sarmenta sa mga BBM supporter: i-block o i-unfollow siya sa social media.

Hindi itinanggi ng aktor na hindi si BBM kundi si VP Robredo ang presidentiable na sinuportahan niya.

Wala raw kaso kung magkakaiba man daw sila ng paniniwala.

Bagama’t kaisa si Rominck sa layuning   pagkaisahin ang mga mamamayan ngayong tapos na ang eleksyon ay mabuti na rin daw na huwag siyang tangkilikin sa social media.

Since hindi naman daw siya nang-aabala ng kapwa ay ayaw rin niyang abalahin siya.

Basta ang mahalaga raw ay naninindigan siya sa kanyang paniniwala.

Hindi nakapagpigil ang ilan sa kanilang hate comments kay Rominck pero kalauna’y in- unfollow din siya ng mga ito.

Deactivated naman ang Instagram account ng aktor.

Samantala, hindi na naringgan ng reaksyon si outgoing Manila City Mayor sa  patutsada sa kanya ni Romnick.

Napaghahalata tuloy na sobrang apektado ang aktor sa resulta ng eleksyon para naising i-block o i-unfollow siya. Ronnie Carrasco III