Romualdez dumepensa sa mabilis na paglusot ng cha-cha sa Kamara

Romualdez dumepensa sa mabilis na paglusot ng cha-cha sa Kamara

March 16, 2023 @ 8:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- “It will benefit the country.”

Ito ang depensa ni House Speaker Martin Romualdez sa naging pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na minadali ng House of Representatives ang pagpasa sa panukala na nagsusulong na amyendahan ang 1987 Constitution.

ā€œKung nagta-trabaho man kami ng mabilis, ito ay dahil interes ng mamamayan ang nakataya. Hindi pulitika, kundi ekonomiya ng bansa. Hindi eleksyon, kundi misyon na iahon ang mga kababayan natin sa kahirapan,ā€ paliwanag ni Romualdez.

ā€œKailan pa naging kasalanan ang mag-trabaho nang mabilis para sa bayan?”giit nito.

Ayon kay Romualdez, nagmamadali talaga ang Kamara sa pagpasa ng mga mahahalagang batas upang agad nang mapakinabangan ng publiko.

ā€œYes, the 301 House members who co-authored the twin resolutions are in a rush to amend these restrictive provisions of the Constitution. Just as we, in the House of Representatives, are in a rush to approve priority measures agreed upon in the Legislative-Executive Development Advisory meetings to give flesh to the 8-Point Socio-Economic Agenda of the national government,ā€ ani Romualdez.

Ipinaliwanag nito na ang Pilipinas ay nahaharap sa mabigat na kompetisyon sa pag-engganyo ng foreign investments na magbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Filipino at upang matugunan ito ay ang Charter Change ang syang dapat na iprayoridad.

ā€œWhen we passed the twin resolutions on the proposed Constitutional Convention, our mission was clear: we need to amend the restrictive provisions of the Constitution that prohibit the entry of foreign direct investments in the Philippines,ā€ dagdag pa nito kasabay ng pagsasabing mabilis man ang naging trabaho ng Kamara ay hindi naman nakukumpormiso ang kanilang legislative work.

ā€œLet me make it clear. All legislative measures approved in the House of Representatives were deliberated extensively and exhaustively — from the committee level to plenary sessions. All voices were heard before we take a vote. Lahat ng ito, dumaan sa tamang proseso at masusing pag-aaral,ā€ depensa pa ni Romualdez.

Una nang sinabi ni Zubiri na hindi prayoridad ng Senado ang Chacha sabay pansin sa ginawa ng Kamara na sa loob lamang umano ng 2 Linggo ay pasado na ang Resolution of Both Houses 6 na nagsusulong ng constitutional convention sa pag-aamyenda ng Saligang Batas gayundin ay naipasa agad sa Mababang Kapulungan ang House Bill 7352 na nagsusulong naman na P10,000 kada araw ang bayad sa mga concon delegates.Ā Gail Mendoza