Romualdez: Kamara naging productive kahit pandemic

Romualdez: Kamara naging productive kahit pandemic

June 1, 2022 @ 8:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa pagtatapos ng 18th Congress, pinapurihan ni House Majority Leader Martin Romualdez ang mga mambabatas sa naging dedikasyon nito sa trabaho sa kabila ng pandemic.

Ipinagmalaki ni Romualdez na ang 18th Congress ay naging produktibo sa kabila ng mga naging suliranin na kinaharap ng bansa.

“I am in awe of the dedication to service and fortitude displayed by Members of Congress and our House employees. They worked beyond the call of duty, at times of uncertainty and abnormality” pahayag ni Romualdez.

Aniya, kahit nagkaroon ng hybrid sessions ay marami pa rin mambabatas at kawani ang pumapasok sa trabaho na hindi inda ang panganib ng virus.

“Who will not be proud to be part of a workforce that reports for duty every day without fail during lockdown, unmindful of the threats posed by the deadly virus.“While almost everybody locked themselves in their homes for safety in the first few months of community quarantine, House Members and employees went out of their way to report for work and perform their duties diligently,” pahayag pa nito.

Nitong 18th Congress ay nasa  1,600 legislative measures ang naipasa, sa nasabing bilang ay 300 ang naisabatas pangunahin na ang Bayanihan 1 at 2 na tugon ng pamahalaan sa pandemic.

Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng 18th Congress simabi ni Romualdez na masaya dshil nagampanan ng bawat mambabatas ang kanilang tungkulin sa bayan.

“I must say that we finished our final year wth integrity and honor for the work we have done was courageous leap amidst a time abnormality. Congratulations for a job well done” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza