Romualdez kumpiyansa sa target na 6M housing units

Romualdez kumpiyansa sa target na 6M housing units

January 31, 2023 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maaabot ng pamahalaan ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa kabuuan ng termino nito.

Ang pagpapahayag ni Romualdez ng kumpyansa ay kasabay ng groundbreaking ng Legacy Housing Project ng administrasyong Marcos sa Batasan Hills, Quezon City nitong Martes, Enero 31.

Ito ay bahagi ng “Pambansang pabahay para sa Pilipino” Program.

“Our target: one million housing units every year. This is an ambitious target, but I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” saad sa pahayag ni Romualdez.

Nangako rin siya na gagawin ng Kongreso ang lahat ng makakaya nito para suportahan ang mga programa ng Pangulo dahil naniniwala ito na ang pagkakaisa ang susi para maabot ang target ng pamahalaan.

Ani Romualdez, mula noong unang araw ni Marcos bilang Pangulo ay nagbigay na ito ng kautusan na makapagbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Filipino na walang sariling tirahan.

Sinabi rin niya na inaayos na ni Secretary Jose Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development ang lahat ng resources ng pamahalaan at pribadong sektor para suportahan ang housing program.

Samantala, idiniin ni Romualdez na ang Legacy Housing Project ay
“a testament how creative and innovative solutions to poverty can help to improve the lives of people in the long-term,” sabay hikayat sa mga katuwang dito na, “continue this legacy of creating opportunities for those in need and making sure that everyone in our country has access to basic necessities such as housing.” RNT/JGC