Romualdez, Lagdameo nag-subway para iwas-traffic sa NY

Romualdez, Lagdameo nag-subway para iwas-traffic sa NY

September 22, 2022 @ 7:13 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Traffic? isubway yan.

Ito ang ginawa ng delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pangunguna nina House Speaker Martin Romualdez at Assistant President Anton Lagdameo Jr. na dahil maiipit sa matinding traffic patungo sa kanilang pulong sa New York City ay nagpasyang sumakay ng subway sa Estados Unidos.

Sa isang Facebook post ng isang Juan Xavier Tengco ay ipinakita nito ang pagsakay sa subway nina Romualdez at Lagdameo kung saan ikinuwento pa nito kung bakit naroon ang dalawang opisyal.

“Due to the heavy traffic brought about by the United Nations General Assembly, had the opportunity to take Speaker Martin Romualdez and SAP Anton Lagdameo via subway just to make it in time for their next official meeting,” nakasaad sa caption ni Tengco.

Kita sa larawan na nag-enjoy ang dalawang opisyal sa kanilang subway adventure sa New York. Gail Mendoza