Romualdez nagkasa ng relief drive sa Davao flood victims

Romualdez nagkasa ng relief drive sa Davao flood victims

January 11, 2023 @ 12:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasama ang kanyang maybahay na si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, isang relief operations ang isinagawa ni House Speaker Martin Romualdez para sa mga nasalanta ng pagbaha sa Davao del Norte.

Ang foodpacks at cash ay ipinamahagi ng mag-asawang Romualdez sa mga apektadong barangay sa Tagum City at sa mga munisipalidad ng New Corella, Asuncion, Kapalong, Carmen at Braulio E. Dujali.

Bukod sa personal na tulong ng tanggapan ni Romualdez ay kasama din sa naipamahagi ang 3,000 family packs na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“This is the least that we can do for our kababayans who were displaced by the floods. Rest assured that we will always be responsive to calls for assistance from disaster-stricken provinces. A little malasakit can go a long way, and we’re here to lend a hand,” pahayag ni Romualdez.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagpahamagi din ang mag-asawang Romualdez ng P2M cash donation, 1,000 family food packs at 17,650 bottled water sa Misamis Occidental na naapektuhan din ng pagbaha at landslides at nanguna din si Speaker Romualdez para sa pagbibigay tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng. Gail Mendoza