Romualdez: Pagpasa ng budget, walang magiging problema

Romualdez: Pagpasa ng budget, walang magiging problema

July 19, 2022 @ 5:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Una sa agenda sa pagbubukas ng 19th Congress ang pagpasa 2023 General Appropriations Bill (GAB) at tiniyak ni Leyte Rep Martin Romualdez na walang magiging balakid sa pagpasa nito.

Ayon kay Romualdez na syang inaasahang mahihirang na House Speaker sa pagbubukas ng Kongreso sa susunud na Linggo na sa ikatlong quarter ng taon ay matatapos nila ang pagtalakay sa budget.

“within the third quarter, or the last quarter and the President will have sufficient time to sign it into law before the year ends,” paliwanag ni Romualdez.

Samantala sinabi ni Romualdez bs prayoridad nilang maipasa sa 19th Congress ang mga panukala na naipasa na sa Kanara at Senado subalit hindi naging ganap na batas,aniya, ang mga panukalang ito ay nairefile na sa Kamara.

Tiniyak ni Romualdez na wala syang inaasahang balakid sa 19th Congress ay magiging maayos ang pagtalakay sa mga panukalang batas at sa budget.

“No hindrances are anticipated. We have talked about it with economic managers, with our counterpart in the Senate and in the House, we have actually more time discussing that with the leadership and sometimes the Senate is maybe more deliberate, it will take time. But we don’t anticipate any hindrances or any problems, we are looking forward to a very smooth and functioning Congress, both House and Senate,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza