Romualdez, proud kay PBBM sa UN speech

Romualdez, proud kay PBBM sa UN speech

September 21, 2022 @ 10:15 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Taas noo si House Speaker Martin Romualdez na maging isang Filipino dahil sa makasaysayang speech ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng 77th United Nations General Assembly sa New York City.

“I have never been prouder to stand as a Filipino in the company of world leaders,” ani Romualdez na kasama sa delegasyon ni Marcos sa naturang pagpupulong.

“It was a great experience to see and hear our President spell out, in clear terms, what we as a people expect from the parliament of nations,” dagdag pa niya.

Para kay Romualdez, makasaysayan ang pagkakataong ito na makabahagi si Marcos sa UN General Assembly dahil sumisimbolo umano ito ng pagkakataon upang matugunan ang mga suliranin na kinakaharap ng bansa maging ng buong mundo.

“The UN has long been an independent arbiter and an effective facilitator of the international dialogue between and among nations. It continues to be our country’s honor to be part of this global family of nations that has continued to remain faithful to its mission of fostering world peace,” aniya.

Dagdag pa dito, tumitimo umano sa puso ng bawat mga Filipino ang mga salita ni Marcos at tunay na pinaninindigan ang pangakong unity, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. RNT/JGC