Romualdez suportado si PBBM sa paglikha ng mas maraming PPP

Romualdez suportado si PBBM sa paglikha ng mas maraming PPP

August 8, 2022 @ 4:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang plano ng Marcos Administration na magkaroon pa ng public-private partnerships (PPP) sa pagtatalaga ng mga proyekto gaya ng ginawa sa Iloilo City kung saan nakipagpartner si Iloilo Mayor Jerry Treñas sa private sector para sa redevelopment ng dalawang public markets.

“I support the appeal of President Bongbong Marcos for LGUs to get into more PPPs to speed up growth in the regions, which in turn will generate employment and livelihood opportunities for our people,” pahayag ni Romualdez.

Aniya, ang ganitong proyekto sa pagitan ng private sector ay isang daan para mabawasan ang dagdag pasanin pa sa local government units (LGUs) gaya sa usapin ng budget.

“Local governments could tap big companies like the Iloilo City-SM market development project that would benefit thousands of vendors and small, medium and micro entrepreneurs,” paliwanag ni Romualdez sa naging sistema sa Iloilo kung saan nakipagpartner ito sa SM Prime Holdings Inc.

Sa ilalim ng proyekto ay magkaroon ng 25 taon lease agreement para sa redevelopment ng Central Market at Iloilo Terminal Market na walang anumang gastusin sa LGUs at pakikinabanganng may 2,800 vendor.

Ang dalawang palengke ay gagastusan ng P3 billion ng SM.

Sinabi ni Romualdez na bukod sa mga public markets ay marami pang proyekto ang maaaring gawin gaya ng toll roads, hospitals, irrigation systems at housing areas.

“These could easily attract private funding because such projects would not run out of customers and users,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza