Romualdez tiwala kay PBBM sa pagpapabuti ng seafarers training

Romualdez tiwala kay PBBM sa pagpapabuti ng seafarers training

December 14, 2022 @ 4:58 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng tiwala si House Speaker Martin Romualdez nitong Martes, Disyembre 14 sa hakbang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na punan ang kakulangan ng maritime industry ng bansa sa pamantayan ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Ito ang sinabi ni Romualdez makaraang ipag-utos ni Marcos ang pagbuo ng advisory board na tututok sa mga kakulangan na tinukoy ng EU sa edukasyon, training at certification system ng mga Filipino seafarers.

“There’s a three-month period which we have to actually comply. Kung hindi, hindi mare-recognize yung mga… kumbaga yung mga graduate certificates natin, eh di mawawala yung bisa,” sinabi niya sa harap ng mga mamamahayag sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Aniya, masalimuot ng kondisyon ang kinakaharap ng bansa dahil dito lalo pa’t tiwala umano siyang talagang magaling ang marinong Filipino.

Dahil dito ay siniguro ni Romualdez na mayroong “sense of urgency” ang pamahlaaan sa pagtugon sa suliraning ito.

“There are always a number of legislation always seeking the best for the welfare of our seafarers,” aniya.

Kabilang sa mga hakbang na ito sa House of Representatives ay ang proposed Maritime Education and Training Act, na layong gawing moderno pa ang maritime education at training regime, maging ang suporta na kailangan ng mga estudyante at nagtuturo.

“They definitely deserve to be given the best opportunities to excel,” dagdag niya. RNT/JGC