Romualdez: Vietnam counterpart bibisita sa Pinas ngayong Nobyembre

Romualdez: Vietnam counterpart bibisita sa Pinas ngayong Nobyembre

November 12, 2022 @ 3:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang bumisita si Vietnam National Assembly Chairperson Vuong Dinh Hue sa Pilipinas sa Nobyembre 25, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Biyernes.

Iniahayag ni Romualdez na inanunsyo ang pagbisita sa bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnam’s Prime Minister Pham Minh Chinh sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit sa Cambodia.

Ayon sa Philippine House leader, makatutulong ang pulong sa dalawang bansa, na kasalukuyang nangunguna sa aspeto ng economic growth sa rehiyon.

“I welcome the visit of Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue to the Philippines this month. This kind of high-level political exchanges and interactions will go a long way to foster and enhance the long-standing relationship and partnership between our two countries,” ani Romualdez.

“It would be mutually beneficial for the two countries to strengthen our relationships. We can learn from each other’s best practices in addressing common challenges facing us such as the effects of the pandemic and the headwinds of global inflation,” dagdag niya.

Kamakailan, sinabi ng administration officials at allies said na isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamalakas na eknomiya sa Asya, matapos makapagtala ng 7.6 porsyentong gross domestic product (GDP) growth sa third quarter ng 2022.  Sa Asean region, pumangalawa ito sa 13.7 porsyentong growth rate ng Vietnam.

Sinabi ni Romualdez, na nasa Cambodia kasama ang Chief Executive, na ipinakilala siya ni Marcos kay Chinh nang malaman na bibisita si Hue sa bansa.

Nagkita naman sina Romualdez at Hue sa break ng Asean leaders’ interaction sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).

“We are looking forward to the visit of your Head of National Assembly. In fact allow me to introduce the Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez who will serve as his host in the time he is in the Philippines,” sabi ni President Marcos base sa opisina ni Romualdez.

Binigyan din ni Hue si Romualdez ng token of appreciation, habang tiniyak ni Chinh kay Marcos na prayoridad ng kanyang pamahalaan ang Vietnam-Philippine ties.

“Vietnam always prioritizes the relationship and partnership with the Philippines and the two countries enjoy over time a long lasting traditional friendship and cooperation,” ani Chinh.

“No one country in Asia can do what needs to be done by themselves. And therefore the partnerships between the countries through ASEAN, multilaterally and bilaterally, these have become terribly, terribly important and those must be fostered and must be strengthened,” sabi naman ni Marcos. RNT/SA