Ronda Pilipinas babalik sa Visayas, Mindanao

Ronda Pilipinas babalik sa Visayas, Mindanao

March 22, 2022 @ 2:06 PM 3 months ago


BAGUIO CITY — Matapos matagumpay na maisagawa ang ika-11 edisyon kamakailan, babalik sa Visayas at Mindanao ang Ronda Pilipinas sa 2023.

“We are happy to announce that there will be a Ronda Pilipinas next year and its  looking at Visayas and Mindanao as venue,” ani ni race director Bernadette Guerrero.

Nangangahulugan ang anunsyo na ang taunang panoorin sa pagbibisikleta, na itinuturing na pinakamalaki at pinakamayaman sa bansa ngayon na may 13 koponan at isang premyong nagkakahalaga ng P3.5 milyon, kabilang ang P1 milyon sa indibidwal na kampeon, ay babalik sa Mindanao sa unang pagkakataon mula nang magdaos ito ng isang five-stage leg sa Butuan hanggang Cagayan de Oro anim na taon na ang nakararaan.

Idinaos din ng Ronda ang karera nito sa Visayas noong 2019 — isang five-stage, UCI-sanctioned event mula Iloilo hanggang Antique na pinamunuan ng dating beterano ng Tour de France na si Francisco Mancebo ng Spain.

At ngayon ay babalik na ang Ronda sa dalawa.

Samantala, ang bagong kinoronahang Ronda king na si Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance ay nangakong magsusumikap pa ng todo upang muling makamit ang kampeonato at lumahok kasama sina two-time Ronda winners na si Santy Barnachea (2011 at 2015) Jan Paul Morales (2016-2017).

“I will do my best to prove myself worthy again next year, I will train hard for it,” ani ng 27-year-old na si Lomotos.

Ang ipinagmamalaking anak ng San Felipe, Zambales ay nagtagumpay sa isa sa mga pinaka-dramatikong pagbabalik sa kasaysayan ng Ronda sa pangunguna sa 10 yugto ng karera ngayong taon na nagbukas sa Sorsogon at nagtapos dito (Baguio).

Nakuha ng Navy Standard Insurance ang ika-walong kampeonato ng koponan. Ang squad ay binubuo ng runner-up at King of the Mountain na si Ronald Oranza, third placer El Joshua Carino, at fourth placer at Best Rookie at Under-23 awardee na si Jeremy Lizardo.

“The key is training hard and staying disciplined. If we keep that mindset, we’ll have a chance to win again next year,” said Navy coach Reinhard Gorantes.JC