Rondo pipirma na sa Lakers

Rondo pipirma na sa Lakers

August 31, 2021 @ 1:53 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Target ni Rajon Rondo na pumirma ng one-year deal na nagkakahala ng $2.6 million sa Los Angeles Lakers kapag na-clear na ang waivers, ayon sa source mula sa ESPN na si Adrian Wojnarowski.

Pumayag na si Rondo sa contract buyout sa Memphis Grizzlies at makukuha pa rin niya ang kanyang buong salary ngayon season na $7.5M sa pagitan ng buyout sa bagong deal sa Lakers.

Na-grade si Rondo, 35, mula sa LA Clippers papuntang Grizzlies nitong Agosto bilang bahagi ng Eric Bledsoe deal.

Naglaro ang two-time champion at four-time All-Star sa Lakers ng dalawang season mula 2018 hanggang 2020 at naging malaking bahagi ng pagkakampeon ng Lakers sa Orlando bubble season.

Magbibigay ang 16-year veteran ng magandang play bilang point guard sa Lakers habang sina Lebron James at Russel Westbrook muna ang bahala sa ballhandling habang nasa starting lineup.

Si Rondo ang panglimang dating player ng Lakers na bumabalik sa team kasunod nian Dwight Howard, Trevor Ariza, Wayne Ellington at Kent Bazemore.

Makakasama rin ni Rondo ang grupo ng beteranong All-Stars sa roster ng lakers sa pangunguna nina Lebron, Westbrook, Howard, Carmelo Anthony, Marc Gasol.

Hawak ni Rondo ang  averaged na 5.4 points at 4.4 assists sa 45 games habang nasa Clippers at Atlanta hawks noong huling season, kung saan bumibira ito ng shooting career-bestna  40.4% mula sa 3.

Ginugol nito ang kanyang unang siyam na season ng NBA career sa Boston Celtics matapos pumasok sa liga noong 2006.RICO NAVARRO