Ronnie at Loisa, biktima ng basag-kotse gang!

Ronnie at Loisa, biktima ng basag-kotse gang!

December 2, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Lalo sa panahon ngayon ng Kapaskuhan, pinag-iingat tayo ng mga awtoridad sa mga laganap na krimen.

Hindi nakaligtas ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa mga masasamang-loob partikular na sa kamay ng mga miyembro ng tinatawag na Basag Kotse Gang.

Ayon sa finayl nilang report sa Bacoor City Police, naganap ang insidente nitong November 30.

Ipinark ng magnobyo ang kanilang Jeep Wrangler Wagon sa harap ng isang gusali sa Molino Road, Molino 3 sa Bacoor para pumunta sa isang cafè.

Nang makabalik mula sa cafè ay bumungad sa kanila ang basag na windshield ng nasabing sasakyan.

Tinangay ng mga ‘di kilalang suspek ang dalawang IPhone 11 at isang IPhone 13.

Kaagad namang nag-file si Ronnie ng police report sa Bacoor City Police.

Samantala, heartbreaking namang maituturing ni Khalil Ramos ang pagka-carnap ng kanyang vintage na Mitsubishi Montero na naiulat na namin dito sa Remate Online kamakailan.

Oktubre nang ma-carnap daw ang nasabing sasakyan na pag-aari ng lolo ng Kapuso actor.

The same vehicle was handed down to Khalil’s father na ipinamana naman at ipinagagamit sa aktor.

Ani Khalil, may sentimental value ang nasabing vintage car.

Mahigit isang buwan man ang lumipas buhat nang ma-carnap ito’y umaasa si Khalil na maibabalik ‘yon sa kanya.

Ginagawa naman daw ng Anti-Carnapping Unit ng Philippine National Police ang kanilang makakaya para matunton ang sasakyan. Ronnie Carrasco III