Ronnie Liang, may kuda sa porn; John Lapus, may sagot!

Ronnie Liang, may kuda sa porn; John Lapus, may sagot!

November 12, 2022 @ 2:05 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Ang “nakakahiya!” remark ni Ronnie Liang patungkol sa kanyang personal stand on doing porn ay naging imbitasyon tuloy para umani siya ng sangkaterbang pang-ookray hindi lang mula sa mga netizens kundi partikular din sa komedyante at TV director na si John Lapus.

In an earlier post, inamin ni Ronnie na may mga offers daw siyang tinanggihan to do porn.

He cited a number of reasons, kabilang dito ang pagiging army reservist niya, his being a pilot, a master degree holder and a brand ambassador.

Isang practising Christian din daw siya na hindi maaatim na gumawa ng ganu’n specifically exposing his private parts.

Mataas daw ang respeto niya sa kanyang sarili.

Sa ibang aktor na lang daw ialok ang offer na ‘yon, huwag siya.

Siyempre, sa bandang dulo ang punchline.

Ronnie minced no words by saying: “Nakakahiya!”

So far, wala pang kapwa aktor ang nagre-react maliban kay John Lapus.

Buwelta nito: “So, ang gumagawa ng porn, walang respeto sa sarili?!”

Katwiran ni John, okey lang naman daw kung ‘yon ang pananaw ni Ronnie.

Pero maaanong sinabi na lang daw nito na simpleng “no” to porn, hindi ‘yung marami pa itong kuda.

Or better yet sinarili na lang daw ni Ronnie ang kanyang mga dahilan.

Let’s face it, maraming aktor who do sexy movies ang sapul sa tinuran ni Ronnie.

Maging ang mga babaeng bold stars ay damay rin.

Kanya-kanyang dahilan kung bakit pinapasok nila ang ganitong larangan.

Oftentimes it comes down to economics.

Kaya sana raw ay nagpreno si Ronnie bilang respeto sa mga kapwa niya aktor.

Come to think of it. To each his own lang ‘yan! Ronnie Carrasco III