Rookie cop tiklo sa shabu

Rookie cop tiklo sa shabu

June 8, 2022 @ 11:29 AM 3 weeks ago


ZAMBOANGA CITY –Laglag sa kanyang mga kabaro ang bagitong pulis na tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy bust operation, Martes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Patrolman Carl Anthony Burgas Tabo-Tabo, 26, residente sa Ipil, Zamboanga Sibugay, at temporaryong nakatalaga sa Zamboanga City Police Office’s (ZCPO) Station 11.

Ayon kay Brig. Gen. Franco Simborio, Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director, dakong 11:3 3 PM nadakip ang suspek sa Barangay San Jose Gusu.
Sinabi naman ni Maj. Francis Briones, ZCPO Station 11 chief, si Tabo-Tabo ay isinailalim sa surveillance matapos madiskubre na sangkot ito sa illegal na droga bago pa man pumasok sa PNP.

Nakuha sa suspek ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P34,000, motorsiklo , 13 pirasong pekeng tig P1,000 bilang boodle money na may isang totoong P1,000 sa itaas bilang marked money, at iba pang nitong kagamitan.

Nakakulong ngayon si Tabo-Tabo ZCPO’s Station 10 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at administratibo./Mary Anne Sapico