Rookie player gagawing mascot ng PBA team?

Rookie player gagawing mascot ng PBA team?

March 16, 2021 @ 7:40 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Magkahalong swerte at dasal kaya nakuha sa katatapos na 46th PBA rookie draft ang basketbolista na hindi naman mahusay maglaro.

Ayon sa nanood ng rookie draft, gwapo at artista kaya kinuha ng sikat na team ang manlalaro para maging panghatak ng fans at posibleng maging endorser ng mga produkto ng koponan.

Malayong-malayo ang player sa laro ng kanyang kapatid at sana maturuan nang husto ng kanyang coach ang aktor/player para humusay sa paglalaro.

Matangkad ang player at pwedeng panapat ng team sa ka-position nito. Ang malaking tanong lang ay handa ba ang rookie player na makipagpalitan ng mukha sa professional league?

Gwapo ang aktor na nakapasok sa PBA at mukha nito ang kanyang puhunan sa pag-aartista. Abangan na lang ang rookie na ito, huwag siyang husgahan dahil baka naman may ibubuga ito sa PBA. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel