Roosevelt Avenue sa QC, Fernando Poe Jr. Avenue na!

Roosevelt Avenue sa QC, Fernando Poe Jr. Avenue na!

December 20, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinangalanang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

Ibinahagi ito ni Senator Grace Poe, anak ng aktor, sa kanyang Instagram kalakip ang mga larawan ng bagong street sign.

“Ito na ang FPJ Avenue sa QC. Maraming salamat sa pagkilala sa lugar na kinalakihan ni Da King. Lagi kang nasa alaala ng mamamayang Pilipino,” aniya.

Ito ay kasunod ng paglagda ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11608 noong nakaraang taon. Nag-abstain si Poe sa pagboto dahil sa conflict of interest subalit sinabing masaya siya na naipasa ito.

Sa 2.9-kilometer stretch sa pagitan ng EDSA at Quezon Avenue matatagpuan ang ancestral residence ng mga Poe, kung saan halos dito na lumaki si FPJ.

Idineklara si Poe na National Artist matapos bumida sa mahigit 300 pelikula sa kanyang 46-taong karera. Pumanaw siya sa edad na 65 noong December 2004 matapos ma-stroke. RNT/SA