Roosevelt LRT station muling bubuksan

Roosevelt LRT station muling bubuksan

December 5, 2022 @ 7:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bubuksan ngayong Lunes, December 5 ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang Roosevelt Station at ia-adjust ang oras ng serbisyo ng Light Rail Transit Line 1.

Ang muling pagbubukas ng Roosevelt Station ay matapos ang dalawang araw na operational exercise upang maisama sa ilalim ng Alstom signaling system, na nag-udyok sa pagsuspinde ng mga operasyon mula Baclaran hanggang Balintawak, ayon sa LRMC.

“We are happy to announce that our team has completed all the necessary works to ensure that LRT1 is safe to be operated with the reintegration of Roosevelt Station,” sabi ni LRMC Chief Operating Officer Rolando Paulino III sa isang pahayag.

“The whole exercise of reintegrating Roosevelt was likewise a great display of teamwork and cooperation among our LRT1 employees and external partners,” dagdag pa ni Paulino.

Sa parehong pahayag, inanunsyo ng LRMC ang pagbabago ng iskedyul sa serbisyo ng LRT 1, na ang huling train ay aalis sa Baclaran Station ng alas-10 ng gabi tuwing weekdays at alas-9:30 ng gabi tuwing weekends at holidays.

Aalis naman ang huling train sa Roosevelt ng alas-10:15 tuwing weekdays at alas-9:45 ng gabi tuwing weekend at holidays. Jocelyn Tabangcura-Domenden