Roque, ginagalang ang pagtutol ng UP Diliman Executive Committee sa nominasyon nya bilang ILC member

Roque, ginagalang ang pagtutol ng UP Diliman Executive Committee sa nominasyon nya bilang ILC member

September 15, 2021 @ 11:18 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – GINAGALANG ni Presidential spokesperson Harry Roque ang karapatan ng UP Diliman Executive Committee at mga miyembro nito na ihayag ang kanilang opinyon ukol sa kanyang kandidatura sa International Law Commission (ILC).

Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Roque na naiintindihan niya na ang kanyang aksyon lalo na ang ginawa niyang pagtanggap sa cabinet post bilang tagapagsalita ng Pangulo ay “will not please everyone.”

Magkagayon man, ang maninipis na pagbibiigay-katuwiran na tutol sa kanyang nominasyon na maging miyembro sa ILC ay malinaw na may ilang sektor ang gagawin ang lahat para sirain ang kanyang magandang pangalan, reputasyon at integridad dahil lamang sa hindi siya sang-ayon at nakiiisa sa political beliefs ng mga ito.

Sa ulat, sinabi ng UP Diliman Executive Committee na ang kanilang pagtutol sa nominasyon ay base sa “poor track record of promoting, defending and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Duterte”.

“I wish to challenge this assessment because it is untrue,” giit ni Sec. Roque.

“For over 30 years, I have been an advocate of human rights, having spent most of my professional life as a member of civil society and as a public interest lawyer representing persons and sectors who have needed to be championed. I have represented journalists, most notably the families of 19 victims of the Ampatuan massacre in domestic courts and before international monitoring bodies with the case of Adonis garnering the view that criminal libel is inconsistent with the ICCPR.”

“I was counsel to the Panatag Shoal fishermen, the comfort women of WWII and the families of Darius Evangelista and Jennifer Laude, among others. In all these cases, I battled powerful interests in order to ensure that proper remedies were availed of, the rule of law was upheld and justice was served,” litaniya ni Sec. Roque.

Naniniwala rin si Sec. Roque na nakapag-ambag siya sa usapin ng karapatang-pantao matapos niyang ipasa ang Universal Health Care Law – kung saan ay isa siya sa pangunahing may-akda, ang Free Irrigation Service Act para sa mga small-scale farmers, isang national lunch feeding program para sa mga estudyante, HIV Policy Law, at iba pa.

” All of these laws which I co-authored and whose passage I passionately lobbied for, grant our countrymen much needed economic rights whose fruits we are now reaping during this pandemic.” Kris Jose


  •  
  •  
  •