Roque kay Pacquiao: ‘Di pagbabayad ng buwis, korapsyon

Roque kay Pacquiao: ‘Di pagbabayad ng buwis, korapsyon

July 12, 2021 @ 4:17 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Muling pinulaan ng Malakanyang si Senator Manny Pacquiao ukol sa ibinunyag nitong malalang korapsyon ni Senador Manny Pacquiao sa ilalim ng Duterte administration.

“Well, unang-una, ang mga alegasyon po ni sir Pacquiao ay alegasyon, walang detalye at tapos umalis siya ano. At ang inaasahan sana ng Presidente gagampanan niya ang kaniyang papel bilang isang senador na talagang mag-iimbestiga sa Senado pero hindi po iyon nangyari ano,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Malinaw aniya ang sinabi ng Pangulo kamakailan na “bago ka pumukol ng dumi ng iba eh ayusin mo muna ang dumi mo sa iyong sariling mukha.”

“So, kung ikaw ay tunay na naninindigan laban sa korapsyon sa iyong pamumuhay, dapat wala kang korapsyon at ang hindi pagbabayad ng buwis ay isang form ng korapsyon,” ani Sec. Roque na ang tinutukoy ay ang P2.2 billion tax evasion isinampa laban kay Pacquiao noong 2014.

Samantala, ibinahagi naman ni Senator Richard Gordon na wala pa siyang natatanggap na kahilingan o wala pang naihain na resolusyon para makapagsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Blue Ribbong Committee sa mga naging alegasyon ni Senator Manny Pacquiao.

Sinabi pa ni Gordon na wala rin anumang dokumento ukol sa mga alegasyon ang naibahagi sa kanya.

Aniya seryoso ang mga alegasyon ni Pacquiao, ngunit diin ni Gordon kailangan naman munang malaman nila kung ano ang partikular na iimbestigahan ng komite.

“It cannot go willy-nilly into any battlefield without knowledge of the what, the who, the when and the damage it caused the government. Unfortunately, we have yet to see the specificity of the allegations,” diin ni Gordon.

Bagamat, pag-amin niya na maaring silang magsagawa ng motu-propio na pagdinig kinakailangan pa rin aniya na malaman nila ang mga partikular na detalye ng mga alegasyon.

“The tremendous powers of the Blue Ribbon Committee cannot be exercised in a cavalier fashion that could only lead to abuse. We are not in the business of chasing ghosts. We are in the business of doing what is right,” giit ng senador. Kris Jose