Roque nadala nang pumunta sa mga pagtitipon

Roque nadala nang pumunta sa mga pagtitipon

December 4, 2020 @ 8:48 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinuturing na Lesson learned para kay Presidential spokesman Harry Roque ang mga batikos na  natanggap nito sa nakaraan na may kinalaman sa pag- oobserba ng minimum health protocol ngayong nananatili pa din ang pandemya.

Ito’y sa gitna  ng pagsang- ayon ni Sec. Roque  sa naging pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na sinumang government official na hindi sumusunod sa minimum health protocol ay hindi makakahikayat ng public compliance.

Aniya, maingat na siya sa mga dadaluhan niyang event at sa katunayan ay naglatag na aniya siya ng kondisyon sa pagtungo sa isang dadaluhang pagtitipon.

Kailangan ayon kay Sec.  Roque na i- obserba ang social distancing ng mga dadalo sa okasyon at ilan pang health protocol.

Sinabi ni Sec. Roque  na ito ang kanyang naging demand sa kanyang pagtungo nito lamang sa Palawan kung saan ay kanya munang tiniyak na masusunod ang social distancing. Kris Jose


  •  
  •  
  •