Roque: Pagmumura ng Pangulo normal na sa matatanda tulad niya



Roque: Pagmumura ng Pangulo normal na sa matatanda tulad niya

March 10, 2021 @ 5:52 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Normal lang umano para sa matatandang tao tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmumura at hindi umano ito isang masamang halimbawa para sa mga bata, ayon sa Malakanyang.

Ang komento ay tugon ni presidential spokesperson Harry Roque sa tanong sa isang interbyu kung ang pagmumura ba ng Pangulo ay magiging normal na sa paningin ng mga kabataan ngayon.

“Ay hindi naman po. Kasi alam naman po nila na Presidente naman ‘yun, 76 years old, hindi na puwede magbago,” ani Roque sa interbyu sa GMA.

Ayon pa kay Roque na ang pagmumura ng mga matatanda ay nasa kultur ana umano ng mga Pinoy.

“Sa totoo lang, ganyan naman po ang kultura ng mga Pilipino sa mga matatanda. ‘Yung ating henerasyon lang naman ang hindi nagmumura eh, dagdag pa ni Roque. RNT


  •  
  •  
  •