Roque pinabubusalan ng solon sa COVID vaccine issue

Roque pinabubusalan ng solon sa COVID vaccine issue

January 14, 2021 @ 6:57 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umapela sa Malakanyang si House Minority Leader Joseph Stephen Paduano na pagalitan at pigilan na si presidential spokesperson Harry Roque sa pagsasalita ukol sa pagpili ng Covid vaccine dahil nagpapakita ito ng pagiging insensitibo at arogante.

Sa isang statement binatikos ni Paduano si Roque sa pagsasabing hindi na dapat maging mapili ang mga Pilipino sa COVID vaccine at tanggapin kung ano ang ibibigay ng gobyerno, para kay Paduano ngayong panahon ng pandemic ang dapat na maging pag uugali ng government officials ay magkaroon ng malakasit.

“The remarks of Roque reeks of insensitivity and arrogance. Sa panahong ito, ang pagiging arogante ng pananalita ni Sec. Roque ay hindi makatutulong bagkus magpapalala lamang ng sakit sa damdamin ng ating mamamayan.

Gaano ba kahirap magpakita ng simpatya sa panahong ito? The least we can expect from him is to show remorse, and yet, none is coming,” pahayag ni Paduano.

Dagdag pa nito na paglabag sa sinunpaang tungkulin ng mga government officials ang mga pahayag ni Roque.

“Resorting to ad hominem utterances directed at our constituents clamoring for better public service may be considered a violation of our oath of office,” dagdag pa nito.

Aniya, hindi si Roque ang magsasabi kung ano ang tamang bakuna kundi ang  Food and Drug Administration. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...