Roque pinayuhan ang MTRCB ukol sa video streaming regulation

Roque pinayuhan ang MTRCB ukol sa video streaming regulation

September 7, 2020 @ 6:11 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ginagalang ng Malakanyang ang hakbang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i- regulate ang video streaming platforms gaya ng Netflix sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkontra sa bagay na ito.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nirirespeto ng Malakanyang ang desisyon at hirit ni Chairman Rachel Arenas at ng  mga miyembro ng MTRCB na bantayan ang mga ipinapalabas sa Netflix at sa iba pang video streaming sites.

“Ang aking suggestion lang po, sa panahon ng budget, Ma’am Rachel, sa panahon ng budget, mukhang mahirap balewalain ang sinasabi ng Kongreso lalong-lalo na kung ang nagsalita na po ang ay ang Speaker of the House. So, ang aking suggestion bagama’t hindi po nanghihimasok ang Presidente, hindi po nagma-micro manage ang ating Presidente, eh i-consider po ang mga suggestions ng ating mga mambabatas, dahil sila naman po ang nagpopondo ng ating mga ahensiya,” ayon kay Sec. Roque.

Katungkulan din aniya ng mga mambabatas na masigurado na nagagastos sa tama ang pondo ng taumbayan.

“So, our suggestion po, evaluate carefully po, lalong-lalo na iyong sinabi ni Speaker Alan Cayetano na hindi na kinakailangang gawin iyan. But we respect ang bow to your discretion.”

Binatikos kasi ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang hirit ng MTRCB at sinabing daragdag pa ito sa burukrasyang nararanasan sa bansa. Sa halip aniya, dapat tulungan ng MTRCB na mapalago pa ang entertainment industry dahil napag-iiwanan na umano sila sa Asya.

Nauna rito, humingi ng tulong sa Senado si MTRCB Chairperson Rachelle Arenas na bigyan sila ng otoridad na ma-regulate ang lahat ng ipinalalabas sa Netflix, iFlix at iba pang online platforms.

Giit ni Arenas na nasa probisyong saklaw ng ahensiya ang anomang motion picture kahit saang platform ito ipalabas.

Depensa rin nila na hinihiling lang ng ahensiya na sundin ng video-on-demand providers ang batas sa Pilipinas.

“‘We’re going to give you our parameters, which is by law naman, and you should follow, this is how you are going to rate your show,'” ani Arenas.

Samantala, para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi praktikal ang ipinapanukala ng MTRCB, at dapat bigyang-permiso lang ng tanggapan ang mga video streaming site na mag “self-regulate” o bantayan ang mga ina-upload na video sa kanilang website.

“It’s very impractical. There are thousands of shows on Netflix alone – how will MTRCB review each one? Can the MTRCB review every single content that can be accessed through the internet? What will they do about virtual private networks that allow users to access content from other countries? If they insist on it, then taxpayers will be paying MTRCB only to stream movies and shows 24/7, 365 days,” ani Drilon.

Sa katunayan aniya, may kakayahan ang Netflix na i-regulate ang sariling mga ipinapalabas.

“If the platform is able to effectively self-regulate and has installed features through which access, particularly by certain age groups can be limited, then there is no role left for the MTRCB to play,” ani Drilon.

Hindi rin aniya nakakatulong na binuo ang tanggapan ng MTRCB noong Batas Militar, kung saan naging talamak ang pagbabantay sa mga ipinapalabas o inilalathala ng kung sino man.

“The MTRCB is a martial law creation. It has been institutionalized as a tool for censorship. It is unfortunate that MTRCB has not been able to evolve and rise above its martial law origins, inclined towards censorship and has not been a driver of self-regulation in the industry,” ani Drilon.

Kaugnay nito, umalma naman ang ilang filmmakers at producers na nakausap namin tulad nina Atty. Joji V. Alonso ng Quantum Films, IdeaFirst Company Perci M. Intalan, Aliud Entetainment Yam Laranas at sina direk Cathy Garcia Molina at Sigrid Andrea Bernardo. Hindi sila pabor sa gustong mangyari ni Ms Arenas. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...