Roque positibo sa COVID-19

Roque positibo sa COVID-19

March 15, 2021 @ 12:49 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kasama na rin si Presidential spokesperson Harry Roque sa tinamaan ng COVID-19.

Sa kanyang pag-anunsyo, “as of 11:29” ngayong umaga ay nakuha niya ang resulta ng COVID-19 test at nagpositibo siya rito.

“Kasama na po ang inyong abang lingkod bukas sa case bulletin ng DoH,” ayon pa sa anunsyo ni Roque.

Paglilinaw ni Roque na ngayon lang siya nagpositibo, ay ang mga lakad niya noong Marso 10 ay sinigurong negatibo pa siya sa virus.

“Noong March 10 ay nag-test tayo dahil sasama nga po tayo kay Presidente sa Dumaguete kinabukasan (March 11), so, negative po tayo noong March 10, pero ito pong nag-test tayo kung saan po tayo nag-positibo, ito po ay kahapon lamang para sana ngayon para makasama sa pagpulong po sana kay Presidente mamya,” paliwanag ni Roque.

Agad namang hiniling ni Roque sa mga nakasalamuha niya na agad nang magkwarantin at magpasuri kung may nararamdaman.

“So, iyon pong nagkaroon sa akin ng closed contact, I ask you po for your indulgence pero kinakailangan po kayong mag-quarantine kung kayo po ay nagkaroon ng closed contact sa akin.”

“Pero iyong mga pinuntahan ko po sa Ilocos gaya ng aking sinabi ay negative naman po ako noong March 10,” giit pa niya.

Sa kabila nito ay itinuloy pa rin ni Roque ang kanyang press briefing ngayon sa kanyang opisina.

“Mag-isa po ako sa aking opisina and that is why we are on zoom,” aniya pa rin.

Samantala, inamin din ni Roque na nagsisisi siya kung bakit hindi pa siya nagpaturok ng bakunang Sinovac noon sa Philippine General Hospital (PGH), kasunod ng paghihikayat sa publiko na kapag dumating na ang bakuna ay magpaturok na agad.

“Nagsisisi nga ako na hindi ako nagpabakuna noong panahon na iyon sa PGH, noh? ksi kung hindi po talaga siguro naubusan at nabakunahan ako sa PGH… siguro po eh hindi na ako nadapuan ngayon,” ani Roque.

“It was really sad na hindi ako nakapagpabakuna dahil I have to follow protocols, kailangan na unahin muna natin ang mga medical frontliners,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

Kaya aniya ang kanyang pakiusap sa mga medical frontliners ay kunin na o magpabakuna na.

“Nandiyan na po ang bakuna. Kunin ninyo na po para hindi po kayo ma-include sa datos gaya ko,” aniya pa rin.

“Unang-una po dahil sa dalas ng aking pagte-test dahil required po yan kapag kasama sa pakikipag-pulong kay Presidente ay kailangan aniyang sumailalim sa 3x RT-PCR-test kada linggo.”

Aniya, isa siyang asymptomatic. wala aniya siyang nararamdaman kahit na ano kahit na nagpositibo na siya sa resulta sa COVID-19.

“i do hope.. hindi na lalala ang aking pakiramdam,” aniya pa. Kris Jose