Roque sa ‘ordinary room’ ng PGH ini-admit



Roque sa ‘ordinary room’ ng PGH ini-admit

April 15, 2021 @ 3:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa ‘ordinary room’ siya na-admit sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa COVID-19.

Taliwas ito sa espekulasyong sinasabi ng isang mambabatas na na tinanggap siya ng PGH sa pamamagitan ng kwartong ini-reserve ng Presidente.

“Hindi po, nasa ordinaryong room po ako,”  aniya sa virtual press briefing.

 “Nu’ng nagsimula po ako magkaroon ng symptoms, binigyan ko na po ng timbre ang aking mga doktor dito sa PGH and it was only when my oxygen level went down to 90 that I was asked to come. So apat na araw rin po silang nabigyan ng timbre na baka ako po ay pumasok,” kwento pa nito.

Sinabi ni Roque na makalalabas na siya ng ospital sa mga susunod na araw at ililipat naman sa temporary treatment and monitoring facility (TTMFs) na nagsisilbing tahanan ng asymptomatic at mild COVID-19 cases. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •