Roque sumakay sa bumulusok na C-130 sa Sulu

Roque sumakay sa bumulusok na C-130 sa Sulu

July 7, 2021 @ 7:06 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ni presidential spokesman Harry Roque na sumakay ito sa parehas na C-130 military cargo plane na bumulusok sa Jolo, Sulu nitong Linggo.

Lahad ni Roque na ang parehas na cargo plane ang sinakyan nito nang maghatid ng medical supplies, personal protective equipment, mechanical ventilators, at Sinovac vaccine sa Iloilo City.

“So nag-turnover din tayo ng medical supplies sa Iloilo City at yung C-130 na bumagsak. ‘Yun din yung C-130 an sinakyan natin,” ani Roque.

“Fortunately po, ibang crew ang nandun. Nakikiramay din po. Pero yung nakausap ko na crew, talagang they are also in shock dahil alam nila na it could have happened to them,” saad pa ng opisyal.

Nasawi sa pagbagsak ng C-130 ang 53 indibidwal kung saan 50 sa mga ito ay sundalo habang tatlo ang sibilyan.

Sugatan naman sa insidente ang 46 pang iba. RNT/ELM