RoRo na may sakay na 124 pasahero, nasunog sa Quezon

RoRo na may sakay na 124 pasahero, nasunog sa Quezon

May 23, 2022 @ 8:43 AM 1 month ago


DEVELOPING STORY – Isang roll-on/roll-off vessel na may lulan na 124 na pasahero ang nasunog ngayong Lunes ng umaga, Mayo 23, habang papalapit ito sa daungan ng Real, Quezon.

Sinabi ng Philippine Coast Guard na umalis ang Roro Vessel Mercraft 2 sa Polilio Island bandang alas-5 ng umaga patungong Real, Quezon.

Anim na pasahero ang dinala sa ospital, habang ang rescue operations para sa iba pang mga pasahero ay nagpapatuloy. RNT