Rosanna Roces: ‘Ang diyos ko, pera’

Rosanna Roces: ‘Ang diyos ko, pera’

November 5, 2020 @ 2:48 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umamin si Rosanna Roces na dumating sa buhay niya na nawalan siya ng faith sa Diyos.

“Wala akong Diyos dati! Ang diyos ko, pera,” pahayag ni Rosanna sa iang press conference.

“Pero noong ‘Natutulog Ba Ang Diyos’ (TV series), that time, nagbalik-loob na rin ako sa Diyos, di ba? Pero naagaw din uli ako ng… nag-backslide agad ako. Nagtampisaw na naman ako sa kasalanan,” lahad nito.

“Ngayong pandemic, medyo magkakaroon ka nang personal na ugnayan sa Diyos, sa ayaw at sa gusto mo.”

Umamin din itong gumawa siya ng paraan upang ituwid ang pagkakamali habang nasa showbiz.

“Naku marami sila [na sumakit ang ulo dahil sa akin dati], karamihan production. Ang dami kong inaway di ba? Kung may award nga ng pinakamaraming inaway sa showbiz ako ‘yon,” aniya.

“Pero kasi ngayon, ang uso kasi ngayon pinakamagaang katrabaho ‘yon ang kukunin. Hindi na uso ‘yung pagalingan na din, eh, ang daming magaling, eh. Kung sino ang pinakamagaang katrabaho, ‘yon ang kinukuha. Hindi ka na puwedeng magloka-lokahan ngayon. Award ka, wala kang project,” giit ni Rosanna.

Mayroong bagong proyekto si Rosanna, ang ‘Anak ng Macho Dancer’ sa direksyon ni Joel Lamangan.

“Talagang doble ang effort ko ngayon. Kaya dito sa ‘Anak ng Macho Dancer,’ doble effort ako dito kasi nung huli akong gumawa sa kanya (Lamangan) pinasakit ko ang ulo nila. Ibig sabihin no’n kung 7 ang call time dapat 5:30 or 6 nasa set na ako at ready na. Ayos na ako. Lahat, memorized ko na,” dagdag ni Rosanna. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...