Rose Nono Lin, 4 pa sa Pharmally, cited for contempt ng Senado

Rose Nono Lin, 4 pa sa Pharmally, cited for contempt ng Senado

January 27, 2022 @ 6:05 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Na-cite for contempt ng Senate blue ribbon sina Rose Nono Lin at apat pang indibidwal sa hindi pagdalo sa pagdinig sa imbestigasyon ng Senado.

Batay kay Senate blue ribbon director general Atty. Noel Quimbo, nagpadala ng liham ang abogado ni Lin na nagsasabing dumaranas ito ng gastric illnesses at positibo rin sa COVID-19.

Kinwestyon naman ni Sen. Richard Gordon ang palaging pagbibigay ni Lin ng dahilan tuwing magsasagawa ng pagdinig ang Senate blue ribbon.

Bukod kay Lin, cited for contempt din ang mga sumusunod:

  • Dennis Manalastas

  • Gerald Cruz

  • Jayson Uson

  • Sophia Custodio

Samantala, nais din isama ni Gordon si dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao sa pinakabagong arrest order.  RNT/FGDC