ROSE NONO LIN BIKTIMA NG PULITIKA?

ROSE NONO LIN BIKTIMA NG PULITIKA?

February 10, 2022 @ 9:55 AM 8 months ago


TILA lumalabas na hindi naman patas kung totoo ang mga haka-hakang may pulitika sa ginawang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee, na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, hinggil sa kontrobersyal na Pharmally Pharmaceuticals Corp.

Kaya tama lang ang gagawin nitong negosyanteng si Rose Nono Lin sa tulong ng kanyang abogado ang pagdulog sa korte hinggil sa nakaambang pag-aresto sa kanya ng SRB kaugnay ng ‘di pagdalo nito sa magkasunod na pagdinig sa multi-billion peso deal ng PPC at ng Department of Budget and Management sa kabila ng balidong dahilan nito.

Si Lin, kandidatong congressman Quezon City 5th District, ay inirekomendang kasuhan ng SRB ng “perjury” dahil hindi umano ito nagsasabi ng totoo. Pilit iginigiit ng SBR, na ang kompanya ni Lin, ang Philippine Biological Pharmaceutical Company, ay sister company ng PPC.

Ito’y dahil merong isang Huang Tzu Yen na miyembro ng board ng PPC at PBPC, na isang normal na kalakaran sa pagnenegosyo.

Maraming negosyante ang nakaupo sa board ng iba’t ibang kompanya, ibig bang sabihin nito sister companies ang lahat ng mga ‘yun, di ba?

Ang PPC, ayon sa abogado ni Lin, ay may sarili at hiwalay na rehistro sa Securities and Exchange Commission at ang kanyang kliyente ay isang lehitimong negosyante at hindi PPC shareholder at walang anomang kontrata sa gobyerno.

Batay sa record, si Lin ay dumalo ng pitong beses sa pagdinig ng Senado at dalawang beses um-absent na pawang may balidong dahilan.

Gayunpaman, nais pa rin ni Gordon na kasuhan ang negosyante ng perjury at kasabay nito ang utos na pag-aresto dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng SBR.

Tila wala namang dahilan para kasuhan ng perjury ang negosyante tuloy tila kapani-paniwala na may kulay-pulitika sa pagdawit kay Lin sa Pharmally case kung totoong suportado raw ni Gordon ang kalaban ni Lin sa darating na halalan.

Libreng Kasalan sa Navotas Hinikayat mismo nina Mayor Toby Tiangco at kapatid na si Rep. John Rey Tiangco ang mga Navoteñong nakahanap na ng kanilang forever at hindi pa kasal pero nagsasama na lumahok sa libreng “Kasalang Bayan” na programa ng lungsod.

Ayon sa Tiangco Brothers, kailangang 25 taong gulang pataas at nagsasama na ng limang taon pataas, may mga anak, at handa ng mag-”I Do,” ang maaaring sumali sa Kasalang Bayan na gaganapin mismo sa February 14.

May 40 na magkasintahan ang makikinabang sa libreng kasalan. Ang 20 sa kanila ay ikakasal ng alas-9 ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School habang ang 20 naman alas-3 ng hapon sa NBBN Elementary School.

Pagbabayad ng business tax, pinalawig

Kinunsidera ni Mayor Toby ang kalagayan ng kanyang constituents sa kabila ng pandemya dahil sa CO­VID-19 kaya muling pinalawig nito ang deadline ng pagbabayad ng business taxes.

Mula January 31, 2022, ginawa na itong hanggang February 15, 2022 para mas magkaroon aniya ng panahon ang mga taxpayers na makapagbayad.

“Puwede kayong magbayad online sa https://online.navotas.gov.ph/ o sa Business One-Stop Shop. Bukas sila ng Lunes-Biyernes, 8am-8pm at Sabado-Linggo, 8am-5pm.”