Rose Van Ginkel, aminadong ginawa na ang pinakamalala!

Rose Van Ginkel, aminadong ginawa na ang pinakamalala!

February 20, 2023 @ 10:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa zoom mediacon ng pinakabagong 4-part series ng Vivamax na Stalker ay inamin ng sexy newbie na si Rose Van Ginkel na sumakit ang ulo ni direk Easy Ferrer sa kanya.

Why naman?

“I think sa akin talaga nahirapan si Direk. Dahil sa akin kaya sumakit ang kanyang ulo,” simula ni Rose.

Grabe kasi ang pagpapa-sexy ng ibang cast sa bagong serye ng Vivamax ngunit very obvious na may inhibition pa ng kaunti si Rose.

“Conscious pa rin kasi ako, ‘yun bang hindi bigay na bigay,” sabi pa niya.

‘Yung ibang sexy stars na kasama niya sa Stalker like Millen Gal, Chloe Jenna and Shiena Yu ay talaga namang G na G sa mga sex scenes sa Vivamax serye.

“For me kasi, ito na ang pinakamalala na ginawa ko for Vivamax, tapos series pa. Ito na ang pinakamalala kong nagawa,” na ang tinutukoy ay ang paghuhubad.

Sa trailer ng nasabing serye ay tama nga ang sinabi ni Rose dahil malala nga ang kanyang ginawa in terms of kaseksihan.

Speaking of stalking, ano ang kanyang take sa mga stalkers lalo’t isa siyang celebrity na inii-stalk ng maraming boylets?

“Stalk? Kung ina-admire ka lang, nakakatuwa kasi hinahangaan ka. ‘Wag lang ‘yung masyado nang aggressive lalo at mahirap i-handle ‘yung iba.

“Sa totoo lang, gustong-gusto ko na inii-stalk pero nakaka-trauma rin siya kung bastos na,” sabi pa niya.

Ka-partner ni Rose sa 4-part series si Wilbert Ross at kasama rin nila si Nicco Loco. Malapit nang i-stream ang Stalker sa Vivamax. JP Ignacio