Roselle Nava, magdidiskubre ng mga talentong katulad nina Sarah at Morisette

Roselle Nava, magdidiskubre ng mga talentong katulad nina Sarah at Morisette

June 22, 2018 @ 3:52 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Huling termino na ni Roselle Nava sa pagka-konsehala ng Paranaque at isa sa naisip nitong gagawin ay ang mag-manage ng mga mang-aawit.

Aniya, “I’m thinking about it pero with my two kids around, mahihirapan ako dahil kailangan kong nakatutok sa kanilang growing up stage. But, kapag malalalaki na ang mga ‘yan, puwede na. Kailangan kasi makasama sila and we should enjoy their growing-up years.”

Unang naisip nito pagkatapos ng kanyang termino ay ang bumalik sa showbiz sa pamamagitan ng pag-record ng isang CD Lite. Tatanggap din siya ng concert stints rito at maging sa ibang bansa.

Inamin ni Roselle na sobrang napabilib siya sa husay ng pagkanta ni Morrisette Amon dahil gustong-gusto niya ang boses nito lalo na kung kumakanta na parang hindi nahihirapan sa pagkanta kahit nasa mataas na ito ng nota. “Sarah (Geronimo) of cource kasi hindi lang siya isang great singer kundi magaling din siyang artista. ‘Yan ang hinahangaan ko sa kanya. I think Sarah sa generation nila ngayon, siya talaga ‘yung nakagagawa ng magandang-maganda.”

Taong 2006 nang nagpatayo si Roselle ng music school na nahinto nang pumasok na siya sa pulitika.

Adbokasiya niya ang tumulong sa mga kabataang malaki ang potensyal sa pagkanta at pagsayaw.

“Kaya, we decided to have a training for the kids, exposure, experience but through a program in Paranaque. This is a free summer voice and dance workshop po and with the blessing of our good mayor Edwin L. Olivarez.

“This is my last term and hopefully, I will still be given a chance to do this project again kahit hindi na ako councillor,” pahayag nito na magtatapos huling termino sa June 30, 2019.

Naganap ang panayam sa The Solaire Theater noong Linggo, June 17 kung saan sila nagkaroon ng matagumpay na recital ang mahigit sa 400 na kabataan sa Summer Workshop In Voice & Dance, proyekto ni Mayor Olivarez sa tulong ni Konsehala Roselle Nava.

Isang bonggang production number ang ginawa ni Roselle na sinundan ng iba’t ibang production numbers na akala mo mga professional ang kumakanta. Ang best part ng recital ay ang pagkanta nito ng kanyang hit song na Isang Pangarap kasama ang four divas at ‘yung parte nilang magkapamilya kasama ni Roselle ang kanyang hubby na si Allen Tan and their five-year-old baby Rafa Nava-Tan na napakalaki ang potensyal na maging ‘Star of Tomorrow.’

 

PAISTARRR ni Alex Datu